Friday, April 18, 2014

10 Pelikulang Pinoy na Tinanggalan ng Isang Letra



Darn - kwento ng babae na lumulunok ng bato para maging superhero. ang problema, sa laki ng bato, napapamura sya tuwing nilulunok nya ito.

Bab I Love You - pelikulang tungkol sa isang binatang na-inlove sa isang baboy. Nang tangkain ng pamilya nyang litsunin ang kanyang pinakamamahal na biik, itinakas nya ito at sila'y namundok.

Panda - noong unang panahon, kung kailan laganap pa ang kadiliman, isang panday na nagngangalang Flavio ang nakakita ng bulalakaw. Sa paniniwalang ito ang magliligtas sa kanila mula sa kadiliman, hinulma nya ito at ginawang balaraw. Ang problema, tuwing humahaba ang balaraw at nagiging espada, sya naman ay nagiging panda.

Bale - una at tanging X-rated film ni Anne Curtis. Tungkol sya sa kung anong nangyari matapos nyang mabali ang 'hotdog' ni Jericho habang sila'y nagniniig.

T.G.S. - kwento ng isang grupo ng kabataang sobrang tigas ng pagmumukha. Sa sobrang tigas, pwede nang gamiting pambasag ng yelo.

Ang pagdadalag ni Maximo Oliveros - nakakita ka na ba ng pelikulang walang ibang ginawa ang bida sa dalawang oras kundi manghuli ng dalag?

Bat, Bat Paano Ka Ginawa - Pinoy version ng Batman Begins

Joe Rizal - ang pelikulang nangahas magtanong ng: Ano kaya kung si Rizal ay naging kano?

Dekada 7 - time travel film kung saan bumalik sa panahon si Tito Vic at Joey at binrainwash nila ang mga sinaunang Pinoy na masanay sa Eat Bulaga.

Marasta - pelikula ni Sharon Cuneta kung saan hindi sya matanggap ng mga anak ng bago nyang asawa dahil kamukha nya si Bob Marley.

No comments: